Disipulong Propeta — Sinayang Mo Lang lyrics

[ Chorus ]
Bakit sinayang mo lang
Ang pagibig na nilaan
Para sayo pagkat ang
Puso ko ay bihag mo
Hinayaan mo lang na malimot
Pagkat sa di mo na mahal
Kaya ang puso ko'y sinaktan mo

Ang pag ibig sinakop na pagmamahal mo na pinadama
Naniwala ako sa mga salitang sinabi mo kahit medyo may kaba
Nadi totoo mga katagang naririnig at pinapangako
Na tunay ang pag ibig kasalanan mo'y inako
Nakapako saking puso nakaukit ang pangalan mo
Makuha na lahat wag lang babae na kailangan ko
Sa aking buhay tanong mahal mo ko diba
Bakit ilang kang sumagot kasi meron na syang iba
At nung madalas na tayong di na tayo nagkikita
Meron bulong bulungan at mga balibalita
Na meron kang kasintahan at iba na ang tinitibok
Nilalaman ng puso mo nakita ko sabay lunok
Nadi ko mapaliwanag nadaramang paet
Mahal ang tunay kong inalay ay iyong pinagpalet
Marahil nga sa kabanata merong kwento na wagas
Sa atin ay telenobelang kalungkutan ang wakas

Umabot na tayo sa sukdulan dahil sa kumawala ka
Saking piling ay tanggap kuna ngayon kung mawala ka
Binigay kuna pagmamahal sapat para sayo
Sa tinigal na pagsasama ay naging tapat ako
Bakit ginawa ko ay sinaktan nilisan sa puso merong pighati
Hindi ko naman hinihiling na nadarama tumbasan mo ng salapi
Dumaan ang gabi na kausap kita inamin mo sakin meron kang iba
At pilit itinago ng mahabang panahon at tumalikod ka nalamang bigla
Mga sinabi mo sa akin na hindi mo gusto ay aking iniwasan
Pero lumabas sa labi mo na hindi pa husto kaya binawasan
Oras panahon at pag-ibig muna binigyan halaga
Puso ko ay kumalampag bumilis ang tibok na parang may kaba
Itinabi ang pagkakamali bagkus kinalimutan umuwi na lang sa amin
At tapos kinalimutan na ika'y napa saakin pero d ka ganting pala
Ikaw ang babaeng tama nang isang beses kong nakilala

Bakit sinayang mo lang
Ang pagibig na nilaan
Para sayo pagkat ang
Puso ko ay bihag mo
Hinayaan mo lang na malimot
Pagkat sa di mo na mahal
Kaya ang puso ko'y sinaktan mo
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/disipulong-propeta-sinayang-mo-lang-lyrics.html ]
Hindi na ba magbabalik pagsasamahang kay saya
Lahat lahat linimut mo iniwan mong nag iisa
Ngayon ako'y nagluluksa sa naganap na pangyayari
Ano ba aking mali bakit hindi mo pa sinabi
Ang tunay na dahilan kung bakit mo kinalimutan
Ang isang katulad kong binalot na ng kalungkutan
Sinayang mo't tinalikuran ang inalay kung pag ibig kung aasang tatagal
Ngunit inanod na ng tubig ang ating mga sumapaan
Na tayo'y magmamahalan
Magsasama habang buhay at walang ibang kailangan
Na komentong nagmula sa labi ng ibang mga tao
At lahat pala ng bagay ay iyong sinesekreto
Ano bang naging mali ko at ako'y sinaktan
At ito ang aking awitin sana ay magustuhan
Na ano man ang mangyari ay mahal pa rin kita
Ang tanging dasal sa may kapal ay makapiling ka sinta

Hindi paba naging sapat ang mga binigay
Ang mawala ka saking piling puso ko'y d pa sanay
Na balikan ang panahon na tayo ay masaya
At ang mundo para sa atin ay parang tulala
Ngunit kahit ganito ako'y nandito pa rin
Sana naman sayong pangako meron kang tuparin
Sa relasyon nating nahati malaking pang hihinayang
Mahal kita sinta ngunit lahat ay yong sinayang
Pano ko ibabalik kapag wala ka na sa...
Aking tabi nagmumukmuk nananalangin nasa
Na mabuo ang puso natin pinagkaisahan
Na binuwag na di malaman o nagkasawaan
Nalang ba tayo satin oras na di ka matanaw
Ika'y nagsisilbing kung tubig saking buhay pag uhaw
Ika'y parte parin ng puso ko kahit na takpan
Hindi kita malilimutan kahit na sinaktan [ subalit ]

Bakit sinayang mo lang
Ang pagibig na nilaan
Para sayo pagkat ang
Puso ko ay bihag mo
Hinayaan mo lang na malimot
Pagkat sa di mo na mahal
Kaya ang puso ko'y sinaktan mo

Ramdam mo na ba pag ibig ko ngunit d ko maramdaman
Ang pagmamahal mo sakin at kahit kailan pa man
Ang mga hadlang at biglang unang pinaniwalaan
Ito ba'y nakatakda o di sadyang pinabayaan
Mo lamang pagmamahalan na sana ay tumagal
Nilinlang mo lang ako alam kong di mo minahal
Sana wag mong isipin na hinayaan kita
Tanggap kuna masaya kana sa tuwing kapiling mo sya

Bakit wala kang tiwala pilitin man ang damdamin
Ikaw lang ang syang tibok na binubulong sa hangin
Ano ba ibig sabihin ng pagmamahalan tapat lang
Ba ang dahilan o pangmatagalan
Ang mga luhang pumatak sa lupa
Di mapigilan ang sakit kailan pa ba huhupa
Bat mo iniwan di pa ba sapat lahat ang mga pinagtapat
At kailanma'y puso ko'y hindi marunong manumbat
Naramdaman mo ba

Bakit sinayang mo lang
Ang pagibig na nilaan
Para sayo pagkat ang
Puso ko ay bihag mo
Hinayaan mo lang na malimot
Pagkat sa di mo na mahal
Kaya ang puso ko'y sinaktan mo

Bakit sinayang mo lang
Ang pagibig na nilaan
Para sayo pagkat ang
Puso ko ay bihag mo
Hinayaan mo lang na malimot
Pagkat sa di mo na mahal
Kaya ang puso ko'y sinaktan mo