Freestyle — Sa Ayaw Mo't Sa Gusto lyrics

Music: Top Suzara
Lyrics: Top Suzara/Carlo Tapia
Tenor Saxophone: Tots Tolentino
Additional Keyboards: Elhmir Saison
Ayoko na sanang umibig pang muli
Lalo na't kakagaling sa pagkasawi
Di na mabilang ilang ulit na akong nabigo
Parang bata na napaso sa apoy na di matuto-tuto
Ngunit nang makita ka'y hindi alam ang gagawin
Iniiwasan ka pero nagpapapansin
Magpahulog man ako'y baka wala ring mapala
Pinipilit na panindigan na ayaw ko na
[Chorus:] ngunit di na'ko makapigil
O heto na naman ako oowoh..
O ako'y nanggigigil napapamahal na sa iyo
Sa ayaw mo't sa gusto
Lagi-lagi na lang, tuwing ika'y dumaraan
Lumulukso ang tibok ng puso ko
Gusto ko ba o ayaw na?
Oh, ako'y litong-lito
Ngunit tuwing makita ka'y hindi alam ang gagawin
Iniiwasan ka pero nagpapapansin
Ooh, diyos ko, baka wala ring mapala
Pinipilit na panindigan na ayaw ko na
Walang magagawa sadyang ganyan talaga
Di maiwasan pang madala
(chorus, coda)
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/freestyle-sa-ayaw-mot-sa-gusto-lyrics.html ]