Frencheska Farr — Sa Pangarap Ko lyrics

Bakit ang aking puso
Ay 'di ko na maawat na ibigin ka
Mula nang ika'y makita
Sa aking alaala'y laging naro'n ka

Alam ko nama'y iba
Na mahal ang puso mo
Ngunit bakit laging ikaw ang hanap ko
Sana ay naging ako

Sa pangarap ko ay kapiling mo
At wala nang iba kung 'di ako
Alam ko naman na ito'y panaginip
'Di man totoo sa puso ko ay langit

Pilitin mang dayain
Ang puso at damdamin
Ba't ganu'n pa rin
Masakit man na isipin
Na ika'y 'di para sa 'kin
Ano ang gagawin

Alam ko nama'y iba
Na mahal ang puso mo
Ngunit bakit laging ikaw ang hanap ko
Sana ay naging ako

Sa pangarap ko ay kapiling mo
At wala nang iba kung 'di ako
Alam ko naman na ito'y panaginip
'Di man totoo sa puso ko ay langit

Sa pangarap ko ay kapiling mo
At wala nang iba kung 'di ako
Alam ko naman na ito'y panaginip
'Di man totoo sa puso ko ay langit
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/frencheska-farr-sa-pangarap-ko-lyrics.html ]