Hambog — Classmate lyrics

Chorus:



Unang araw palang minahal na kita

Bakit ba ganito ang aking nadama

Di man kita lubusan pang kilala

Eh ano naman basta mahal kita



1st Verse:



Unang araw sa school ako'y nasa eskwelahan

Uniporme ay cool baka may maeksenahan

Syempre meron bagong chicks ngayon nagenroll

kaso yung iba mukang pang shake rattle and roll (OH)

Pero iisa ang agaw pansin

Isang babaeng kumakain magisa sa canteen

Tapos lalo pa kong natuwa at lalong sumaya

Nung nalaman ko ang crush ko classmate ko pala

Haha ngayon nga madiskartehan

Wala akong pake kung magtaray o maginarte yan

Basta gusto ko lang sabihin salitang nakakasado

Sa exam ng puso ko alam mo ba ikay pasado

Pero teka lang pangalan mo di ko pa alam

"Hoy mister wag kang maingay" tumahimik ka ma'am

Anyway di ko pa rin alam pangalan mong banal

Pero pwede ba tawag ko nalang sayo mahal



Chorus:



Unang araw palang minahal na kita

Bakit ba ganito ang aking nadama

Di man kita lubusan pang kilala

Eh ano naman basta mahal kita



2nd verse:



2nd subject andun kame sa may lab

Hindi ako nakikinig titig ako kay my love

Oo love na nga kita L-O-V-E

Di ko dama ang pagod ko kahit na mag P.E.

Pag topic ay P.C. ito'y hindi easy

Kaya ika'y busy pero ako'y sisi-

ngit pa rin sa oras mo kahit ikaw ay maines

Kase ikaw bumubusog sa puso ko kapag recess

Kung eskwelahan ang puso ko ikaw ang principal

Dahil sinusunod lamang nito kanyang minamahal

Daig ko pa ang first honor kapag nakita kita

Ikaw solution sa problem sa matematika

Ng buhay ko kase ikaw plus ako equals for better

Multiply by tiwala at love equals forever

At wala ng pwedeng magdivide sa ating dalawa

Kase sa aklat ng Sibika tayo'y nakatalaga



Chorus:



Unang araw palang minahal na kita

Bakit ba ganito ang aking nadama

Di man kita lubusan pang kilala

Eh ano naman basta mahal kita



3rd Verse:


[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/hambog-classmate-lyrics.html ]
Tumatangge ako sa tropa pagsinabeng cutting tayo

Kase misyon ko saking pagpasok maging tayo

Yayayain lang nila ko sa bilyarang kalapitan

Bakit pa ko dun sasamakung sayong tabe kalangitan

Di ba tama aking katuwiran

Sa eskwelahan dun lang kita natatabihan

Kapag ikaw ang seatmate ko ayoko ng lumisan

Sana dito nalang tayo at walang uwian (Damn)

Baliw na ba ko hay nako lagot

Saking assignment,quiz at exam pangalan mo sagot

Lagi kong hinahanap ang yong essence at presence

Kase kinukumpleto mo ang nonsense na sentence

Kaya di na aabsent you're the angel God sent

Ayos ba ang accent syempre laging present

Di nawawala sa school laging lumalapag

Kase ikaw ang dahilan kung bat ako nagsisipag



Chorus:



Unang araw palang minahal na kita

Bakit ba ganito ang aking nadama

Di man kita lubusan pang kilala

Eh ano naman basta mahal kita



4th Verse:



Ika'y iba sa lahat masasabeng ibang klase

At salamat sapagkat ika'y aking naging kaklase

At ikaw ngayon ang subject dito sa aking rap

Kung hindi ka nakilala malamang ako'y nadrop

Kase tamad akong binatang sawa sa eskwelahan

Ngunit ikaw ay estudyante don kaya may kwenta yan

Gumawa ako ng project tulang ipapabasa

Di ito para kay ma'am sayo ko to papasa

Sana pumasa ako sayo

Sana magreview ka rin na umaasa ko sayo

At ang mahalin kita hindi ko yon pinagaralan

Dahil nadama ko yon ng kusa at agad agaran

Classmate kong mahal sana maisip mo na

Matamis mong oo ang tuturing kong diploma

At bago ka mawalay sakin sa bakasyon

School year na kasama ka sa puso ko babakas yon



Repeat Chorus:



Bridge:



(Classmate ko na)



Nagbigay ng kaligayahan

Kaya ang nais ko ikaw ay lagi lang na nanjaan

Sana kahit tayo ay magkalayo

(Classmate)

Maalala mo ako

(Dahil)



Unang araw palang minahal na kita

Bakit ba ganito ang aking nadama

Di man kita lubusan pang kilala

Eh ano naman basta mahal kita