Joel Genuino — 'Di Ba Maaari lyrics

[Verse:]
Sa dampi ng 'yong kamay
Maglalaho ang lumbay
At sa iyong paningin, ayaw nang mawalay
Tadhana'y walang kibo
Pag-ibig ko'y hindi maaabo

(Refrain)
'Di ba maaaring ikaw lang at ako?
'Di ba maaaring lubayan na lang ang mundo?

[Chorus:]
Kahit ang araw ay magbibigay daan din sa gabi
'Di ba maaaring tayong dalawa'y laging magkatabi?
Kung mahalin ka'y 'di tama, habang buhay na akong mali
Wasto man 'to o hindi, hindi ko 'to ikukubli

[Verse 2:]
Pusong walang malay
Binigyan mo ng saysay
Titibok para sa'yo ng walang humpay
Ang aking pangarap
Kapiling ka sana sa bawat pag-iglap

[Repeat refrain and chorus]
[Instrumental]
[Repeat chorus]

At kung sa panaginip lang kitang makakapiling
Mas pipiliin ko ang tanggihan ang muling paggising
Sa lahat ng bituing tanaw, ito ang aking hiling
Katapusan ma'y dumating, sagot ko ay pag-iling
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/joel-genuino-di-ba-maaari-lyrics.html ]