Pamplonian Rhyme — LDR lyrics

Kahit malayo ay di magbabago
Dahil sa puso ko ikaw lang ang nag-iisa
Di hahayaan na tayo'y lumabo
Kahit madaming tumututol sa'ting dal'wa
Panghawakan mo lagi ang binitawang pangako
At tandaan na ikaw lamang at wala ng iba

C H O R U S
Dahil sayo lang umiikot ang mundo
Di ako mapapagod na maghintay at mahalin ang tulad mo
At kahit nasasaktan ako
Wag kang mag-alala, nandito lang ako

Verse
Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan
Tayo'y di nagpadaig at ating pinanghawakan
Ang pag-iibigang magkasama nating binuo
Magkahawak ng kamay tayong nagpatotoo
Na mayrong panghabangbuhay, pag-ibig ang nagpatibay
At maging ang aking buhay ay handa ko ng ialay
Saiyo at wala na kong ibang mahihiling
Isa sa pinakamasayang nangyari nang makapiling
Huwag ng mag-alala, wala nang mas mahalaga
At mas papatatagin pag-iibigang tinakda
Kalakip ang tiwala na sa bigkis ay nagpatibay
Ng pagmamahalang tatagal ng habangbuhay
Panghawakan mo lagi ang binitawang pangako
At tandaan na ikaw lamang at wala ng iba

( C H O R U S 2X )
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/pamplonian-rhyme-ldr-lyrics.html ]