Quip — Puwing lyrics

[Verse 1]
Kumusta ka na?
Pati mga magulang mo kumusta sila?
Kumusta na ang lolo’t lola mo’t mga kapatid
Kumusta ang mga pangarap wag ka sanang maiinip, kahit

Puro tanong walang sagot, parang sakit na walang gamot
Madaling manimula ang mahirap ay magtapos
Kaibigan kasama sa kwento at sa pikunan,
Inuman at kalokohan, lugaw puto at gulaman ngunit

Minsan ang ugnayan ay napapalitan
Buhat ng selos at kung ano anong dahilan
Tiwala, pera’t babae ay kinaiingitan
Sekereto’y babalikan hanggang magkasiraan

Madilim man at malabo layuning di sigurado
Trabaho mong mamuno magturo’t maging Piloto
Gumalaw nang pusitibo hubugin ang pagkatao
Di na kailangan ng tulog kung saan tayo patungo dahil

[Chorus]
Liwanag, ako ay napupuwing
Kahit ngayon ay di na makaidlip

[Verse 2]
‘Di makapag-aklas sa batas na may butas
Bigkas pa ng bigas baka kulangin yan pangbukas
Buktot bulong ng ahas pumitas ka ng mansanas
Aaatras ang alas kapag hinabol ka ng malas

Hinangin ang kawayan ng mga bumabatikos
Haranahin ng kundiman, kung ‘di ‘man ay magtutuos
Sino ang may sala? Yung’di ba pinagpala
Kaya naman pala, di nagdala ng pala.

Wag mawawala, maghukay ka ng bangkay
Gamit ang iyong kamay, ika’y magagamay
Madadama’y patay, hindi buhay, biglang nahati ang tulay
Biray na pang sakay, nagdalumpasay sa pasay

Manok nakilahok, kukong lusok, nasulok,
Lumiyok, tumilaok, antay nang onti, masa’y lililok
Tatsulok na nalunok, kaya bumilaok
Sistema na bulok pag may kaya, makakapasok

Liwanag, ako ay napupuwing
Kahit ngayon ay di na makaidlip

[Chorus]
Liwanag, ako ay napupuwing
Kahit ngayon ay di na makaidlip
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/quip-puwing-lyrics.html ]