Ron Henley — Venus lyrics

Ooohhh.
Nasa isang gilid tahimik lang
Palihim lang, kitang tinitingnan
Di mo lang alam kung gaano kaganda ang,
Tanawin mula sa aking kinatatayuan

Ngiti na sing-tamis ng pulot
Mga tingin mong nagdudulot ng isang matinding tagtuyot
Minsan naisip ko kung pwede lang sumilip O,
Sumingit sa isang magandang panaginip mo.

Napatingin bigla sa malayo
Nakita ka sakay ng isang puting kabayo
Magkita nalang tayo dun sa kabilang ibayo
Hihintayin kita sabihin man nilang malabo.

Para kang Prinsesa kung ituring,
Sa lalim ng ating pagtitinginan sana wag mo kong lunurin,
Gusto lang naman kitang yakapin,
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin 2x

(Chorus)

Kahit na, Anong sabihin ng iba,
Mahal parin kita, Mahal parin kita sinta.
Basta't kahit na, Ano pa ma'ng gawin nila,
Mahal pa din kita, Mahal parin kita sinta.

Nabighani sa nag-iisang bituin sa kalawakan,
Nais ko sanang abutin at mahawakan,
Sungkitin kaso nga lang, ang higpit ng pagakatali,
Pag nabulhol na'ko yare ako sa Mahal na Hari!

Ikaw ang araw sa buwan,
Sa tuwing gabing wala ka, walang liwanag sa'king daan
Pakiramdam ko palagi ay parang nasa ulap
Pag magdamag tayong magkausap.

Pwede patabi ang lamig kasi,
Painitin natin ang gabi, parang bagong timplang kape
Kahit pa gaano kadaming babae'ng ipakilala sakin,
Ikaw parin ang aking hahanapin,
Dahil ang puso mo ay mamahalin,
Dapat na ingatan, at di dapat basagin.

(Repeat Chorus 2x)

(- Ron Gising,
* Bat mo ako ginigising tol'
- Ron gising, Uyy!
* Ang ganda-ganda ng panaginip ko, Pambihira!)

Sana namaý sumalo kapag nahulog ako,
At sana wag mabagok ang ulo ko sa bato,
Ngunit nangyari na, nagising sa katotohanan
Ayoko na ng laro gusto ko na ng totohanan
Kung kumpiyansa ang usapan, akoý mamumulubi
Sa tuwing titingnan kita't lagi mong mahuhuli

Nais lang naman kitang yakapin, kahit ilang kilometro ang layo mo sa akin
(Repeat Chorus)

Kung iguguhit ko lang ang pag-ibig namin,
Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin,
Na napadpad sa isang daanan, Hanggang sa matapakan
Ng dalawang naghahabulang magkasintahan.
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/ron-henley-venus-lyrics.html ]