Sam Concepcion — Kontrabida lyrics

Umpisahan natin ang kwento
Ang bida ay ikaw at ako
Sobrang kilig ng pagsasama
Para bang sikat na telenovela

Ngunit kagaya ng isang hit sa takilya
May mangugulo para baliktarin ang tema
Unti-unti akong madedehado
At biglang-bigla ang dating tayo
Ay naging kayo

Chorus:
Bakit ba kailangang may intriga
Sa isang magandang istorya
At laging may kontrabida
Para mang-agaw ng eksena

Ngunit lahat ay aking gagawin
Upang muli kang magiging akin
At hindi magpapatalo ang leading man sa kwento
Maghihintay parin ako ng twist sa bandang dulo
Sana'y happy ending
Ang love story natin

Bakit parang naging pelikula
Ang pag-ibig sa isa't isa
Ano na nga bang meron siya
At ako'y biglang na eche-puwera

Ngunit dahil ng isang hit sa takilya
May manggugulo para baliktarin ang tema
Unti-unti akong nadedehado
At ang dating tayo
Ay naging kayo

[Chorus:]

Ako ang dating bida sa puso mo
Dahil sa pesteng bagong bida
Ako na ngayon ang Kontrabida

Bakit ba kailangan may intriga
Sa isang magandang istorya
At laging may kontrabida
Para mang-agaw ng eksena
Ngunit ang lahat ay aking gagawin
Upang muli kang maging akin

At hindi magpapatalo
Ang leading man sa kwento
Maghihintay pa rin ako
Ng twist sa bandang dulo

Sana'y happy ending
Ang love story natin...
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/sam-concepcion-kontrabida-lyrics.html ]