Sharon Cuneta — Mahal Pa Rin Kita lyrics

Di ko man maamin sa aking puso
Di na nararapat ngunit bakit ganito
Hanggang ngayo'y nasa sa puso'y ikaw lamang
Kahit na nga mahabang panahon na'ng nagdaan
Ako ba'y nagsisi't hinayaang mawala
Nalimutan ko na bang ako'y 'yong pinaluha
Ikaw kaya'y gano'n din at minsa'y dumaraan
Sa isip mo'ng tamis ng dating pagmamahalan
Di na maaaring magbalik ating nakaraan
Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay
Di maamin sa (puso't) (aking) damdamin
Ikaw pa rin
Mahal pa rin kita
Minsan sa 'king pagtulog panaginip ka
Ang puso ko'y hindi pa rin mapahinga
Akala mo'y wala na
O kung alam mo sana
Hindi pa rin nagbabago
Pag-ibig ko sa 'yo
Saan man ako maparoon
Dumaan man ang ilang panahon
Ikaw pa rin ang alaala
Alam mo ba, alam mo ba
Mahal pa rin kita...
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/sharon-cuneta-mahal-pa-rin-kita-lyrics.html ]