Teeth — BMX lyrics

Parang lumilipad, parating pasugod.
Sumasalubong sa hangin,
Humahampas sa 'king mukha.
Hindi humihinto, walang nililingon
Hanggang hindi ko pa nararating
Sobrang bilis, sobrang tulin

Minsan nagwawala, laging nawawala.
Sayang dahil hindi mababalik
Ang pagkabatang hinahanap
Naamoy ko na, gustong paliparin
Sakay, angkas
Ipepedal ko na ang mahiwagang bmx

Sige! Padyak!
Sige! Andar!
Sige! Sige!

Medyo pinapaltos, medyo kinakapos.
Mainit na hithit-buga,
Kinakalawang ang luma.
Nung bata kahit ano nagagawa
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/teeth-bmx-lyrics.html ]