Zsa Zsa Padilla — Kahit Na lyrics

Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin, akala mo'y naglalaho
'Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro

Refrain:
'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilin kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka,
Ligaya'y walang hanggan

Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

Refrain:
'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilin kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka,
Ligaya'y walang hanggan
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/zsa-zsa-padilla-kahit-na-lyrics.html ]